Part two ng aming hiking, sumunod na destination: Sa Okutamako lake naman. Isa sa pinakamalaking artificial lake sa mundo, na kung saan ay may isang hydraulic generator na nakakapagsupply ng 19000KW. Ang ganda niya kasi green na green yung kulay ng tubig. Napapalibutan ng mga bundok na kung saan nilakad namin na di kukulang sa 8 kilometro (hindi pa namin natapos yun buo kasi malayo nga at aabutin ka ng araw). Diretso naman ang daan di tulad sa Takao na pataas, lubak lubak at maputik. Kaya medyo na enjoy ang pagkuha ng mga pictures, kaso di ako nakakita ng squirrel haha. Afterwards, pumunta kami sa isang public bath (ofuro) kaso di rin ako sumama kasi hiya ako maghubot hubad sa madaming tao haha, so kaming 3 nila kulot ayon sa pagbababad ng paa sa mainit na tubig ang napagdiskitahan hehe. Solve naman kasi ang haba ng nilakad namin. Golden Week pala dito at sa simula nung tuesday at sa darating na tuesday ay wala kaming pasok. Saya no..