Ayun akala ko di na matutuloy kasi maulap eh, kaya pagdating sa taas ng bundok kapal ng fog kaya nag-antay pa kami pahupain yun para makita yung Kegon-no Taki Falls, kaya naglakad lakad muna sa Lake Chuzenji-ko.. Parang Baguio lang din siya. Nakakapikon kasi wala ako nakitang unggoy sabi kasi meron eh.. hahaha.. Tapos nung falls at lake sa walang kamatayang Shrine nanaman, hehe sa Toshogu Shrine. After nun umuwi na, akalain mo may traffic din pala dito hehe kasi panay subway train ang sinasakyan ko kaya di ko napapansin yung sa taas. Ok enjoy na lang sa pics, kasama ko pala jan yung ibang pinoy na sina Angie, Ofir, Richard at Irene..
parang papuntang heaven.. hehe
|