Namasyal lang sa isa sa famous landmark dito sa Tokyo kasama si si Sir Alex. Hanggang doon lang ako sa Main Observatory (150m) na nagkakahalaga ng \820. Ang haba nga ng pila, madaming foreigners talaga. Kung gusto mo sa Special Observatory (250) e magdadagdag ka ng \600.
Bale yung height ng tower is 333m na binuksan nung taong 1958 at siya ay tinaguriang "Tallest self-supporting steel tower". Tumitimbang ang tower ng humigit kumulang 4000 tons, mas magaan siya kumpara sa Eiffel tower kahit mas mataas siya dahil advance technology ng steel manufacturing. At merong 24 broadcasting waves na tinatransmit nito sa Tokyo. At kapag gabi binubuksan ang mga floodlights nito na bumibilang sa 176 na ilaw. At meron silang mascot yung makikita niyong naka pink sa baba, 2 talaga sila na tinatawag na Noppon Brothers. At kapag gabi merong event palagi doon sa Club 333. Ayun syempre nagpaka-adik lang sa picture haha.