Mas nag-enjoy ako dito kesa sa Tokyo Tower haha., Sulit na sulit ang \600. Parang lumibot ako sa buong mundo para makita ko ang mga kahayupan sa mundo hehe. Mga paborito kong nakita ay ang mga lions, tigers, brown bear, polar bear, squirrels, meerkat, prairie dogs, rhinoceros, condor, eagles, ostrich, elephants, hippopotamus, gorilla at unggoy hahaha na di ko nakita sa nikko tour. At dahil napakalaki ng zoo na yo e ayun di namin naabutan ang Vivarium kung san nandun yung Komodo dragon at galapagos turtle, masyado na kami natagalan sa mga nocturnal creatures/mammal kasi nakakamangha talaga. Di mo aakalaing may ganung hayop pala. Sayang sa vivarium kasi mga reptiles at amphibians. Tsaka di ko na nakita si Ling-ling yung Giant panda na galing china kasi namatay na siya last month, red panda na lang kaso tatamad kumilos hehe..